Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

the (f)artist formerly known as paningit

Home
functioning melancholic
Oct 3, 2006
ito ata yung parte na dapat magsulat ako tungkol sa aking sarili para mas lubusan pa akong makilala ng aking mga... ahem... kilala.

ako po si israel. "A" kung tawagin ng karamihan ng aking mga kaibigan.

kung nakilala nyo na ako mapapansin nyo na mahirap po akong makalimutan gawa nang halos hindi po nagbago itsura ko magmula nung grade two ako. ganito na po ako kalaki. kahindik-hindik at kagila-gilalas din po ang aking metabolismo... pero nakalaan ang kuwentong ito para sa ibang pagkakataon (naks, ukinana).

madami na po akong nagawa sa aking buhay mula nung tayo'y huling nagkita. halimbawa, nakagawa po kami ng palabas sa isang lokal na tv station dito sa baguio.. tumagal ng anim na epsiodes.. sabay nawalan na po kami ng pondo. at dumami na rin ang ginawa ng bawat indibidwal na involved sa show. pero nawalan talaga kami ng pondo. taena ang mahal nun. pero kung may pera lang kami, gagawin uli namin yun. ang saya ngay.

nagtratrabaho din pala ako sa isang kumpanya na gumagawa ng malinis na kuryente. anong trabaho ko dun? turbina. minsan transmission line. mababa man silang magpa-suweldo, masaya namang kasama ang mga tao... well, hindi lahat. actually, marami sa kanila ang hindi masayang kasama eh. pero ok pa rin, 'lam mo yun?

sinusubukan ko rin magsulat ng libro ngayon. taena ang hirap pala. pati script ng pelikula. taena ang hirap din. kaya iniba ko kaunti yung goal ko, magsulat ng kuwento para sa isang komiks na ang titira ng artwork eh sila olie, jonz, at ardel. ayun. hanggang ngayon hindi pa tapos yung kuwento kaya bad trip na sa akin yung tatlo.

para medyo malibang kami habang tinatapos ko yung kuwento, sinusubukan naman naming gumawa ng banda na pang jamming ngayon. pang jamming lang ha. hindi for public viewing, maliban na lang kung prends tayo.

yung blog ko (http://paningit.blogspot.com) matagal na ding namatay. andaming umiyak noon. ngayon sinusubukan kong buhayin uli. buti na lang pwedeng mag-cross post sa blogger ang multiply. mabuhay ang multiply (utot)!

ang pinaka-proud akong nangyari sa buhay ko? yung pamilya ko. yung asawa ko na ang tagal na akong pinagtiya-tiyagaan (hanggang ngayon pa rin ata.. sana) at yung dalawang anak ko. parehong babae. salamat sa diyos ang tanging napamana ko sa kanila eh ang aking apelyido. lahat namana nila (lalo na ang itsura) sa maganda nilang ina. ayus!

taena ang haba na nito ah. ok na yan. saka na lang ulit. text-text na lang. kita-kita sa dulo. apir!
.
Blog Entry
ang kumpletong blog ay mababasa sa paningit.blogspot.com
Dec 20, 2008
:: i skipped work after an all-nighter with olie and guill.  yeah.  skipped.  on purpose.  and i had to tell them some lie about me being sick.  damn, i hope my boss isn't reading any of this shit. but come to think of it,... more
Previous blog entries:
Dec 14-a post of shorts
Dec 14-a short post
Dec 11-real.time.blogging.sortof.
Israel's favorite blog entries:
Dec 9-born on thanksgiving (a very late post)
Dec 5-a study in procastination...
Nov 19-did i say that out loud #2
Nov 18-well, it's a fat guy with a weird goatee talking... so take it with a grain of salt
Nov 10-a thousand things...
Oct 28-lotsa friends
Oct 28-the future (shet, napukaw! apay ngay?)
   View All
.
Contacts
mga pinagkaka-utangan ko
audreybeltran
Audrey
benjotheman
benjo
bribribri
bri
leprozochan
david leprozo
kabuchawpet
kabunyan
kateshky
kate
marjiefarjie
marj
themightybhutens
The
vixienne
vixienne 

   View All
.
Note
leave a message after the beef... *beef!*
   
bluerain03 wrote on Apr 27, '09
hey, A! how r u?
paningit wrote on Feb 10, '09
pasensya na sa inyong lahat ha... abala kasi akong nag-reresign sa trabaho
paningit wrote on Feb 10, '09
andito lang... maa-update din 'to.. abangan
iamretromanila wrote on Jan 29, '09
Dude, asan ka na naman?
paningit wrote on Dec 18, '08
i'm sorry.. i don't think it would be geographically possible, unless you are shooting in baguio.
.
Review
we sing. we dance. we review things...
Dec 9, 2008
Thumbnailjason really outdid himself this time. after touring the world and being a rockstar in promotion of his two past albums (waiting for my rocket and mr. a to z), jason took a brief hiatus. he went back to his roots and rediscovered the freedom and... more
Israel's favorite reviews:
Dec 9-We Sing. We Dance. We Steal Things.
   View All
.
.
...